Casspi humiling na i-trade

Matapos mawala sa rotation ng Cleveland Cavaliers, hiniling ni forward Omri Casspi, ang unang Israeli player sa NBA, na i-trade, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Nagpakita ng potensiyal si Casspi sa kanyang murang career, ngunit biglang nawala sa eksena matapos mawala ng 5-games dahil sa gastroenteritis noong December.

Nagtatawag na si Cavaliers general manager Chris Grant para sa posibleng trade kay Casspi ngunit wala pang nangyayari.

Ang pagre-request ng trade ay ginawa ng mga kinatawan ni Casspi mula sa Creative Arts Agency (CAA), ayon sa mga sources ngunit iginiit ng mga opisyal ng Cleveland na wala umanong ganitong request.

Base sa alituntunin ng liga, hindi maaaring gumawa ng public request ang agent o si Casspi na hindi mapagmumulta.

Matapos maging starter sa 93-games sa kanyang unang tatlong season sa NBA, lumaro lang ng 1-minuto si Casspi para sa Cavaliers sapul nang manalo ang Cavs sa LA Lakers noong December 11.

Show comments