Matapos magka-injury sina Dwight Howard at Pau Gasol, lalong hihina ang frontline ng Los Angeles Lakers sa inaasahang pagpapahinga ni Jordan Hill, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Nakita sa MRI exam nitong Lunes na may maliit na punit sa muscle sa binti ni Hill, ayon sa impormante.
Malaking tulong ang inside presence ni Hill para sa Lakers kung saan nag-a-average siya ng 6.7 points at 5.7 rebounds.
Ngayong wala sina Howard, Gasol at Hill, nahaharap ang Lakers sa four games sa anim na sunod na gabi na sisimulan ng back-to-backs kontra sa Houston at San Antonio nitong Martes at Miyerkules.
Pumirma ang 25-gulang na si Hill ng 2-year extension na nagkakahalaga ng $8 million para manatili sa Lakers. Lumipat siya sa Los Angeles mula sa trade sa Houston noong nakaraang season.