OKLAHOMA CITY -- Ang tumanggap ng walong tahi sa ibabaw ng kanyang kanang mata ay maaaring masakit, ngunit hindi ito sapat para mapigilan si Russell Westbrook.
Nagposte si Westbrook ng 24 points, 9 assists at 7 rebounds, samantalang may 30 points si Kevin Durant para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 114-96 panalo kontra sa Phoenix Suns.
“When you see blood, you don’t know what to do,” ani Durant kay Westbrook. “I was glad he came back here and got stitched up and was able to play again. He came out there with a lot of anger and it showed on both ends of the floor. He pushed us over the top.”
Idiniretso ng Oklahoma City sa 12 ang kanilang home-court winning streak na pinakamahaba sa NBA.
Ito rin ang pang-limang sunod na panalo ng Thunder sa New Year’s Eve matapos umalis ang prangkisa mula sa Seattle.
Isinara ng Thunder ang 2012 mula sa kanilang 15 panalo sa nakaraang 17 laro.