Dominado ng mga dehado ang pagpapatuloy ng pista sa San Lazaro Leisure Park nang mas marami ang di pinaborang kabayo na kuminang para mapasaya ang mga karerista noong Huwebes ng gabi sa Carmona, Cavite.
Ang mga kabayong Dugo’s Charm, Hyena at Lady Want’s To Know ang mga liyamadong kabayo na nakalusot sa hamon ng mga di napa-boran upang magkaroon pa ng magandang dibidendo ang tumangkilik sa gabing ito.
Nanguna ang Shining Again sa mga dehadista na nanalo matapos pawiin ang pangalawang puwes-tong pagtatapos noong Disyembre 7 sa nakalabang Scarab.
Ang pagbuhos ng ulan ang nagpalambot sa pista na siyang nagustuhan ng Shining Again na mula sa gitna at humarurot para kunin ang liderato sa Orthodox.
Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang kaba-yong sakay ni JA Guce para iwanan ang ibang katunggali sa pangunguna ng second choice na Santori ni Jessie Guce.
Nagpamahagi ang win ng P40.00 sa win habang ang 6-3 forecast ay nagpasok ng P300.50 dibidendo.
Ang Mika Mika Mika na tumakbo sa race two ang ikalawang long shot na nanalo 3YO Handicap Race (06) sa 1,400m distansya.
Si Pat Dilema ang sumakay sa Mika Mika Mika na nanaig sa Puuuma na ginabayan ng apprentice rider na si RO Niu Jr.
Halagang P38.00 ang ipinamigay sa win habang P536.50 ang ibinigay sa forecast na 7-8.