Mailap ang ginto sa Team UAAP-Phils.

MANILA, Philippines - Wala pa rin nakuhang gintong medalya ang Team UAAP-Philippines upang bumaba na sa kinalulugarang puwesto sa medal tally sa 16th ASEAN University Games sa Vientiane, Laos.

Matapos ang araw ng Martes ay isang pilak at tatlong bronze medals lamang ang nasilo ng delegasyon upang bumaba patungo sa ikapitong puwesto sa medal race taglay ang  2 ginto, 8 pilak at 13 bronze medals.

Inagaw ng Singapore ang pang-anim na puwesto matapos makakuha ng tatlong ginto, 4 pilak at 17 bronze medals.

Ang women’s 4x100m freestyle relay team na binuo nina Celina Gonzales, Jasmine Ong, Kim Uy at Claire Adorna  ay naorasan ng 4:06.39 para puma-ngalawa sa malakas na Malaysian team na pinangunahan ng mga SEA Games gold medalists na sina Siow Yi Ting at Cai Lin sa 4:00.49.

Si Adorna na nanalo din ng pilak noong Lunes sa 50m back, ay kumubra pa ng bronze medal sa 100m back sa 1:07.31, habang sina Johansen Aguilar (men’s 100m back) at runner Rafael Poliquit (10,000m run) ang naghatid pa ng tig-isang bronze medals.

Magtatapos ngayon ang isang linggong kompetis-yon at si Aguilar ay inaasahang makapaghahatid pa ng gintong medalya sa paglahok sa 200m freestyle.

Angat pa rin ang Malaysia (50-41-50) kasunod ang Vietnam (46-26-24), dating kampeon na Thailand (29-40-35), Indonesia (29-38-48) at host Laos (29-31-34).

Show comments