Panalo ang Never Cease

MANILA, Philippines - Sinuwerte ang Never Cease na may sapat pang lakas para maisantabi ang malakas na pagdating ng Basic Instinct at hira­nging kampeon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Kevin Abobo ang hinete muli ng kabayo na umani ng P437,957.00 mu­la sa P512,738.00 benta sa Daily Double dahil sa magandang panalo na na­kuha sa novatos race no­ong nakaraang buwan.

Inilagay ang karerang sinangkapan ng P1 mil­yon ng PCSO at pinag­labanan sa 1,300-metro at ang nanalong kabayo na pag-aari ni Mandalu­yong City Mayor Benhur Abalos ay nagtala ng tagumpay.

Naorasan ang tamba­lan ng 1:24.4 mula sa ku­wartos na 7, 25, 24’, 28 para kunin din ang P600,000.00 unang gantimpala na pinaglabanan sa karera.

Sa pagbukas ng aparato ay kinuha agad ng Ne­ver Cease ang liderato at na­ka­sunod ang Boss August.

Sa rekta ay lumayo na ang Never Cease sa Boss August pero naparemate ni JA Guce ang Basic Ins­tinct.

Dahil outstanding, ba­lik-taya lamang ang nangyari sa win, habang P8.50 ang dibidendo sa 7-4 forecast.

 

Show comments