NLEX, Boracay Rum nagtala ng panalo

MANILA, Philippines - Napigil ng NLEX Road Warriors ang pag­lasap sa kauna-unahang back-to-back na pagk­a­talo, habang pinalawig ng Boracay Rum ang pag­papanalo sa dalawang di­kit sa PBA D-League As­pirants’ Cup kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pa­sig City.

Pinagmasdan ng Road Warriors na sumablay si­na Kevin Ferrer at Ian Ma­zo sa mahahalagang bus­lo upang maitakas ang 70-68 panalo kontra sa Blackwa­ter Sports patu­ngo sa 8-1 ba­raha.

Naunang nakitaan ng matinding depensa sa hu­ling yugto ang tropa ni  coach Boyet Fernandez nang limitahan ang Elite sa 5-of-17 shoo­ting para lu­mayo sa 70-64.

Pero isang tres ni Ferrer ang naglapit sa kopo­nan sa tatlo at matapos ang sablay na atake ay nag­karoon ng pagka­ka­ta­on si Ferrer na ilapit pa ang Blackwater nang na­lagay sa 15-foot line mula sa foul ni Kirk Long.

Ngunit isa lamang ang kanyang naipasok pero ang bola ay napunta kay Ma­zo na minalas at hindi naipasok ang kanyang bus­lo.

Sina Ronald Pascual at RR Garcia ay may 12 at 11 puntos para sa NLEX.

Samantala, nakuha na­­man ng Boracay Rum ang ikala­wang sunod na pa­nalo mu­la sa 74-66 ta­gum­pay kontra sa Infor­ma­tics sa unang laro.

 

Show comments