Bakbakan na sa q’finals

MANILA, Philippines - Ayaw pang magba­kas­yon ang Rain or Shine, habang gusto nang ka­limutan ng Barangay Gi­nebra ang nakaraan.

Hangad naman ng Me­ralco ang kauna-una­hang Final 4 at markado si rookie Calvin Abueva ng Alaska.

Iyan ang mga samu’t saring kuwento ng apat na koponang magsisimu­la ang mga kampanya sa quarterfinals ng 2012-2013 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Elasto Pain­ters at ang Kings sa Game 1 ng kanilang best-of-3 quarterfinals series sa alas-5:15 ng hapon ka­sunod ang laban ng Bolts at Aces sa alas-7:30 ng gabi.

Bukas naman ang si­mu­la ng quarterfinals series ng defending champion at elimination round topnotcher Talk ‘N Text laban sa Air21 at San Mig Cof­fee kontra sa Petron Bla­ze kung saan may ‘twice-to-beat’ advantage ang Tropang Texters at Mixers.

Ang mananalo sa quar­­terfinals series ng Elas­to Painters at Kings ang la­laban sa mananalo sa serye ng Mixers at Boosters sa isang best-of-7 semifinals.

Sa kabilang best-of-7 naman ang mananalo sa quarterfinals na bakbakan ng TNT at Air21 at ang lulusot sa serye ng Bolts at Aces.

Dalawang beses tinalo ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine sa nakaraang eliminations, 98-94 at 97-90.

Pero kung si Kings head coach Siot Tan-quingcen ang tatanungin, ba­lewala na ang mga ito at maging ang kanilang 0-2 pagkatalo sa Elasto Painters sa isang best-of-3 quarterfinal sa parehong conference noong nakaraang season.

“Back to square one na kasi. Di na namin iniisip ‘yung mga last games. Im­portante ay naka-focus ka­mi sa depensa at kaila­ngan mentally tough,” pa­hayag ni Tanquingcen.

Paghahandang mental din ang prayoridad ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na ambis­yong bigyan ang kanyang sa­rili at ang prangkisa ng ka­una-unahang all-Fi­li­pino title.

Show comments