Wade, James nagbida sa panalo ng Heat sa Hornets

MIAMI -- Umiskor si Dwyane Wade ng 26 points, habang may 24 si LeBron James para igiya ang Mia­mi Heat sa 106-90 paggiba sa New Orleans Hornets.

“We’ve got to defend. It’s that simple,’’ wika ni James. “When we defend, the game’s that much ea­sier for us.’’

Nagdagdag naman si Chris Bosh ng 13 at may tig-11 sina Ray Allen at Shane Battier para sa Miami, ini­wanan ang Hornets, 33-10, sa huling 11 minuto sa se­cond quarter.

Tumipa si Ryan Anderson ng 24 markers para sa New Orleans kasunod ang 20 ni Robin Lopez at 12 ni Ja­son Smith.

May 19 turnovers ang Hornets na ginawang 22 pun­tos ng Heat.

Kinuha ng Miami ang malaking 64-47 bentahe sa first half at hindi na nilingon pa ang New Orleans.

 

Show comments