^

PM Sports

Arum nagpaplano ng Part Five?

Pang-masa

LAS VEGAS --- Na­ta­lo sa isang laban o na­pabagsak ka ay hindi na­ngangahulugan na tapos na ang iyong boxing career.

Ito ang pahayag ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions matapos ang sixth-round KO loss ni Man­ny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa MGM Grand.

“Losing a fight, getting knocked out is not death, do you understand?” wika ni Arum sa mga reporters matapos ang Pacquiao-Marquez IV.

Iginiit ni Arum na hindi pa rin niya nakikitang malalaos na si Pacquiao at humihina na ang halaga nito sa merkado.

Sinabi ng promoter na malakas pa rin ang hatak ng Filipino world eight-di­vision champion sa mga boxing fans sa buong mundo.

“You lose a fight, it doesn’t mean anything if you give the public what they want and you come back, and you should be as marketable as you were before,” ani Arum.

“Particularly in a fight like that, where everybo­dy saw what happened: They were trading, tra­ding, trading. Manny got caught in the end. Why should that affect anything?”

Ayon kay Arum, hindi malayong maitakda niya ang pang-limang upakan ng 33-anyos na si Pacquiao at ng 39-anyos na si Marquez sa susunod na taon.

“Why not? People love this action. This fight will go down in history as a ring classic. If they want to fight again, why not?” sabi ni Arum.

Samantala, kaagad na nakalabas ng ospital si Pacquiao matapos sumailalim sa isang CT scan.

“Okay naman, ayos na­man ang lahat,” ani Pac­quiao “Ga­ling na kami sa ospital at wala namang di­perensya.”

“Sa larangan ng sports, may panalo at may ta­lo. Dapat handa ka rin na tanggapin kapag duma­ting na ang panahon na ta­lo.”

ARUM

AYON

BOB ARUM

DAPAT

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

TOP RANK PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with