NBA news-NBA news Wallace pinagmulta ng $5,000 dahil sa 2nd offense sa flopping

NEW YORK  -- Pinagmulta si Brooklyn Nets forward Gerald Wallace ng $5,000 ng NBA dahil sa flopping para matulad sa kanyang teammate  na si Reggie Evans bilang mga second offenders sa naturang violation na ipinatupad ng liga ngayong season.

Binalaan din ng liga si Clippers veteran Chauncey Billups na tumumba patalikod matapos ang kanyang jumper na wala namang bumangga, sa kanilang laro ng Utah.

Dinedepensahan ni Wallace ang sumalaksak na si LeBron James ng Heat sa kanilang laro noong Sabado sa Miami nang bumagsak siya nang mahawakan ni James ang kanyang katawan.

Nauna nang na-warning-an si Wallace dahil sa flopping kontra sa New York noong Nov. 26.

Tinuturing ng liga ang flopping na pag-arte kahit bahagya lamang ang contact para makakuha ng foul mula sa mga referee.

Binabalaan ang mga players para sa first offense kung saan nagkakaroon ng multa sa mga susunod na offen at tumataas ito na nagsisimula sa $5,000.

Pitong players na ang napatunayang nag-flop matapos mag-review ang mga NBA officials.

Si Evans ang isa pang player na nakagawa ng dalawang beses na flopping.

 

Show comments