4-teams magpapalakas ng tsansa sa D-League

MANILA, Philippines - Bubuhayin pa ng apat na koponan na namemelig-rong mamaalam sa liga ang kanilang mga tsansa sa pag-asinta sa mahalagang panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup na dadako ngayong hapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Unang tagisan ay sa pagitan ng Jose Rizal University at Boracay Rum sa ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Cebuana Lhuillier at Erase Xfoliant dakong alas-4.

May 1-3 karta ang Heavy Bombers habang 0-5 ang Waves at parehong nasa must-win ang dalawang ito para makaiwas sa limang koponan na mamamaalam matapos ang 10 laro sa elimination round.

Mainit din ang tagisan sa hanay ng Gems at Erasers dahil ang makukuhang panalo ay magpapanatili sa koponan sa pag-okupa sa mahala-gang ikaanim na puwesto.

Kasalukuyang magkakasalo sa nasabing posisyon ang Gems, Erasers at pahingang Fruitas sa 2-3 baraha.

Sa format ng liga, anim na koponan  ang magpapatuloy ng laban para sa kampeonato at ang mangungunang dalawang teams ay didiretso sa semifinals habang maglalaro pa sa quarterfinals ang sunod na apat na koponan.

Nasayang ang naipundar na 2-1 baraha ng tropa ni coach Aric del Rosario nang pataubin sila ng Café France (58-73) at sa Fruitas (73-78).

Sa kabilang banda, ang Cebuana ay papasok sa laban bitbit ang 82-86 pagkatalo sa kamay ng Cagayan Rising Suns sa kanilang huling laro.

Kailanganin ng Erasers na manumbalik ang husay ng gunner na si Jet Vidal na sa huling dalawang laro ay nagtala lamang ng pinagsamang 8-of-23 shooting tu-ngo sa mahinang 10 puntos na average.

Sa kabilang banda, mas magandang teamwork ang hangad sa koponan para pigilan ang posibleng paglasap ng maagang bakasyon.

Show comments