Gasol ipapahinga ang tuhod

MANILA, Philippines - Bibisita ang Los Angeles Lakers at si Pau Gasol sa Houston ngayong linggo.

Si Gasol ay muntik nang ma-trade sa Rockets, 12 buwan na ang nakakaraan.

Hindi lalaro si Gasol at hindi alam kung gaano katagal ito mawawala dahil sa tendinitis sa tuhod na muling nagbukas ng usap-usapan sa trade.

Ngunit walang katotohanan ang mga usap-usapan dahil walang aktibidad ang Lakers na hinihintay ang pagbabalik ni Steve Nash para makita ang potensiyal ng team.

Show comments