ikatlong termino ni cojuangco

Hindi maganda ang naging reaksiyon ng marami sa pagkapanalo ni Jose ‘Peping’ Cojuangco para sa kanyang ikatlong termino bilang presidente ng Philippine Olympic Committee.

Ang kanilang dahilan, bumagsak ang Philippine sports sa ilalim ng pamumuno ni Cojuangco.

Nagtapos ang Pinas sa pinakamasamang finish sa Southeast Asian Games na sixth place noong 2011 sa Thailand. Bukod pa diyan ay wala tayong nakuhang medalya sa dalawang Olympics (Beijing, 2008 at London, 2012) sa kanyang term.

‘Yan ang sintimiyento ng mga tao.

***

Ngayong nabigyan pa uli ng pagkakataon si Cojuangco, may dapat siyang patunayan.

Kailangang may mangyari na sa sports sa kanyang panibagong apat na taong termino.

Paparating na naman ang Southeast Asian Games na gaganapin sa susunod na taon sa Myanmar at kailangang makabawi tayo rito.

Ang susunod na Olympic Games ay sa 2016 pa sa Rio de Jainero. Mahabang panahon pa para mapaghandaan ito na siyang layunin ni Peping.

Nangako siyang ito ang kanyang pagpupursigihan  matapos manalo.

***

Bago ang eleksiyon, sinasabing marami ang may gusto ng pagbabago sa POC.

Kaya nga gusto sanang labanan ni Go Teng Kok ng athletics association si Peping kahit alam niyang magiging masalimuot ito.

Naniniwala siyang sapat ang kanyang makukuhang boto para manalo.

Kahit ang grupo ni Manny Lopez ay nagsabing gusto rin nila ng pagbabago at tiwala siyang mananalo ang kanyang ticket.

Ngunit bago ang araw ng eleksiyon ay umatras si GTK at nanalo ang buong ticket ni Peping.

Sa katunayan, binilang pa nga ang mga bumoto kay Peping at kung may nakalaban siya ay mana-nalo pa  rin siya sa nakuhang 32 boto mula sa kabuuang 43 botante.

Show comments