Lopez hindi makikitasa 2 laro ng Nets

NEW YORK -- Muling uupo sa bench si Brook Lo­pez dahil sa pananakit ng kanyang paa.

Tiniyak naman ng Brooklyn Nets na hindi ito ka­ga­ya ng kanyang naranasan sa nakaraang 2011-12 sea­son.

Hindi makakalaro si Lopez sa dalawang asignatura ng Nets bunga ng mild sprain sa kanyang kanang paa.

Matapos makuha ang resulta ng isang X-ray, sinabi ni general manager Billy King na kumpiyansa siyang ka­agad na makakabalik si Lopez.

Nasaktan ang paa ni Lopez nang sumalaksak sa third quarter sa panalo ng Brooklyn kontra sa Boston.

Nabalian ng kanang paa si Lopez noong nakaraang Dis­yembre ng 2011.

Kabuuang 32 laro ang iniupo ni Lopez matapos ma­balian ng kanang paa noong nakaraang season sa ka­nilang laro ng New York Knicks.

Show comments