Jeric Teng nadukutan ng cellphone

MANILA, Philippines - Maliban sa pagkatalo ng University of Santo To­mas sa Ateneo De Ma­nila, 69-70, sa Game Two ng 2012 Philippine Collegiate Champions League Fi­nals, nadukutan pa si Growling Tigers’ scorer Je­ric Teng ng kanyang mo­bile phone at wallet sa The Arena sa San Juan.

Nangyari ang insiden­te nang nagpaunlak si Je­ric, anak ni dating PBA pla­yer Alvin Teng, ng pag­papakuha ng larawan sa kanyang mga fans sa labas ng venue.

Si Jeric ay kuya ni La Salle Green Archers’ rookie Jeron Teng.

Nadukot ang Samsung phone at wallet ni Je­ric hagang nagpapaku­ha siya ng larawan.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na naduku­tan si Jeric ng mobile phone ngayong taon.

Ang unang insidente ay naganap bago ang pagsisimula ng 75th UAAP season.

Tumapos si Jeric na may 12 points sa natu­rang kabiguan ng UST sa Ateneo sa Game Two para sa kanilang ‘winner-take-all’ sa Disyembre 7.

Show comments