Samsung 6th Man awards

Nagsagawa ng botohan ang mga gumagamit ng Sam­sung na nag-download ng application.

Sila ay bumoto ng kanilang mga bets para sa iba’t ibang special awards mula sa Samsung tulad ng UAAP MVP, UAAP Mythical five, Best Cheerer at  Best Courtside reporter.

Tinawag nila itong Samsung 6th Man awards.

At ang nanalo na MVP ay si Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila U. Kasama rin siya siyempre sa Mythical 5 na kinabibilangan din ni Greg Slaughter.

Ang simpleng awarding ceremony ay ginanap kagabi sa Makati Shangri-la Hotel.

***

Matagal nang sumusuporta sa college basketball ang Sam­sung. Lalung-lalo na sa cheerleading competition.

Malaking tulong ang sponsorship ng Samsung sa col­lege basketball.

Nitong nakaraang UAAP season, si Bobby Ray Parks, Jr. ang nanalong MVP at binigyan pa siya ng Samsung ng bonus na brand new Samsung Note 2.

Kaya isa si Bobby Ray sa mga naunang nagkaroon ng gadget na ito.

Sa Samsung Note 2 grand launch, dumating din ang mag­kapatid na Jeric at Jeron Teng at maging sila ay na­bigyan din ng ganitong gadget.

***

Lumaban ng husto ang Informatics sa NLEX sa D-League. Maliit lang ang naging lamang sa kanila kaya para sa mga taga-Informatics, para na rin silang nanalo.

***

Nagbukas na ang NCAA volleyball competition nu’ng isang araw. Sa December 1 naman magbubukas ang UAAP volleyball. At siyempre, ang inaabangan ng marami ay ang women’s volleyball competition.

***

Nakakatuwa rin naman na pinupuntahan na rin tayo ng mga foreign basketball team para makipag-tune up dahil alam nilang maganda ang quality ng basketball dito. Kamakailan lang, dalawang Indonesian commercial basketball teams ang dumayo rito at nakipag-tune up games sa iba’t ibang D-League at college teams.

Ngayon naman, may isang Guam high school basketball team na nandito at ngayon ay araw-araw na nag­te-training.

Show comments