MANILA, Philippines - Muling nagtala ng malaking come-from-behind win sa conference ang Rain or Shine nang talunin sa overtime ang Meralco, 102-98, kagabi sa PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.
Nakabalik mula sa 26-point deficit sa third quarter ang Elasto Painters para makapasok sa quarterfinals.
Kating-kating makaganti sa Rain or Shine matapos tambakan, 106-81, sa kanilang unang paghaharap noong Nov. 4, lumamang ang Meralco sa 57-31 makaraan ang freethrow ni Sol Mercado mula sa pagka-thrown out kay center JR Quiñahan sa 8:06 ng third period.
Binigyan ng hard foul sa isang fastbreak play ni Quiñahan si Mercado na nagresulta din sa technical foul sa huli at isang flagrant foul-penalty one kay rookie Kelly Nabong na nakipagpormahan din kay Quiñahan.
Pero iyon ang ginamit na insidente ng Elasto Painters para sa isang 29-8 run sa pagtatapos ng quarter at ibaba sa 60-65 ang bentahe ng Meralco.
Iyon na pala ang naging mitsa para tuluyang tapusin ng Rain or Shine ang Bolts sa fourth quarter at overtime bagama’t nawala sina Quiñahan at Ryan Araña dahil din sa isang flagrant foul-penalty 2 at sa kabila ng hindi pa rin nakapaglaro sina Paul Lee, rookie Chris Tiu dahil sa injuries, nadagdag pa sa injury list si Jireh Ibañes na nabalian ng kamay bago ang laro kagabi.
“We got frustrated in the beginning. We couldn’t get anything going. What fired us up was the JR incident. We drew a lot of energy and inspiration from it. The way to get back at the game is to hustle and get back into the game,” ani Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Rain or Shine 102 - Chan 25, Norwood 15, Belga 15, Tang 12, Araña 11, Cruz 10, Quiñahan 6, Matias 5, Rodriguez 3, Jaime 0.
Meralco 98 - Mercado 28, Cardona 12, Hodge 9, Ross 9, Borboran 9, Buenafe 9, Hugnatan 8, Nabong 6, Salvacion 4, Reyes 2, Artadi 2.
Quarterscores: 8-21, 26-40, 60-65, 88-88, 102-98 (OT).