^

PM Sports

Namigay ng turkey, Pie sa fans break muna si Pacquiao

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pansamantalang iniwanan ni Manny Pacquiao ang kanyang training camp para mamahagi ng mga turkey at pumpkin pie sa kanyang mga fans sa Los Angeles, California para sa Thanksgiving Day.

Sa mga larawang inilabas ng Top Rank Promotions, ipinakita si Pacquiao na nagbibigay ng mga panghanda sa kanyang mga fans sa Westside Shepherd ng Hills Church sa Los Angeles.

Dinumog ng mga fans si Pacquiao para magpakuha ng larawan at makipagkamay sa boxing superstar.

Hindi na bago kay Pacquiao ang saglit na paglimot sa ensayo.

Sa kanyang mga nakaraang laban ay dumalo si Pacquiao sa ilang sporting events at talk shows sa US at pansamantalang iniwan ang kanyang training camp.

Samantala, kagaya ng kanilang tatlong beses na paghaharap, inaasahan ni referee Kenny Bayless na magiging maaksyon muli ang ikaapat na sagupaan nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“After 36 rounds of seeing these guys tangle, I think it’s going to just add to what they’ve done in the past,” ani Bayless kina Pacquiao at Marquez sa pa-nayam ng Examiner.com. “They’ve fought three great fights and I see the fourth fight being pretty similar to the last three.”

Si Bayless ang hinirang ni Nevada State Athletic Commission executive director Keith Kizer bilang re-feree para sa Pacquiao-Marquez IV.

Ang rematch nina Pacquiao at Marquez ang pinamahalaan ni Bayless noong Marso ng 2008 kung saan nanalo si ‘Pacman’ via split decision sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.

Magsasagupa ang 33-anyos na si Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at ang 39-anyos na si Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa ikaapat na pagkakataon sa isang non-title, welterweight fight.

 

BAYLESS

HILLS CHURCH

JUAN MANUEL MARQUEZ

KEITH KIZER

KENNY BAYLESS

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANDALAY BAY RESORT

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with