MANILA, Philippines - Pinatawan ng Flagrant Foul-Penalty One kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud si Rob Reyes at minultahan ng P10,000 matapos ang ginawang pag-review sa insidenteng kinasangkutan ng Express forward at ni Alaska rookie Calvin Abueva sa 1:04 sa fourth quarter ng kanilang laro noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ay mula sa isang statement ni Salud na ni-release sa pamamagitan ng text message kahapon ng PBA Media Bureau.
“While the illegal acts escaped the attention of game officials resulting in a non-call, I am exercising the Commissioner’s authority to sanction players who upon playback and review, are deemed to have committed a dangerous play or a rough and unsporstmanlike tactic that was undetected in the course of the game,” pahayag ni Salud na nauna nang sinuspindeng si PBA referee Jimmy Mariano na siya umanong may jurisdiction sa nasabing insidente.
Ginantihan ni Reyes si Abueva sa pamamagitan ng pagsampal sa mukha nang nakadapang rookie matapos siyang hinatak sa jersey pabagsak ng court sa isang loose ball scramble. May ginawa pa itong trashtalking at taunting sa rookie pagkabaon nito at bumalik sa kanilang court.
“Reyes’ acts are aggravated by the fact that they were unnecessarily committed when play had already shifted away from both players,” dagdag ni Salud.
Tabla ang iskor 102-all nang nangyari ang insidente sa larong napanalunan ng Express kontra sa Aces, 104-103.