MANILA, Philippines - Itinalaga ang kilalang international re-feree na si Kenny Bayless bilang referee sa ikaapat na paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Dec. 8 (Dec. 9 sa Manila) sa MGM Grand sa Las Vegas, ayon sa pahayag ng Nevada State Athletic Commission.
Ito ang ikalimang pagkakataon na magre-referee si Bayless sa laban ni Pacquiao matapos mag-officiate sa laban ng 8-division champion kontra kina Erik Morales noong 2006, Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009 at Shane Mosley noong 2011.
Laging pinupuri si Bayless sa kanyang pagre-referee ngunit sa laban kay Mosley, may mga nagduda sa kanya dahil hinatulan niya ang American ng knockdown sa 10th round na dapat ay hindi dahil nadulas lamang si Mosley.
Nanalo si Pacquiao via a unanimous decision at humingi ng paumanhin si Bayless sa kanya sa nangyari.
Samantala, sinabi ni NSAC executive director Keith Kizer na sina Ada-laide Byrd ng Nevada, Steve Weisfeld ng New Jersey at John Keane ng Britain ang mga judges.