^

PM Sports

Bayless judge uli sa laban ni Pacquiao

AC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinalaga ang kilalang international re-feree na si Kenny Bayless  bilang referee sa ikaapat na paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Dec. 8  (Dec. 9 sa Manila) sa MGM Grand sa Las Vegas, ayon sa pahayag ng Nevada State Athletic Commission.

Ito ang ikalimang pagkakataon na magre-referee si Bayless  sa laban ni Pacquiao matapos mag-officiate sa laban ng 8-division champion kontra kina Erik Morales noong 2006, Ricky Hatton at Miguel Cotto  noong 2009 at Shane Mosley noong 2011.

Laging pinupuri si Bayless sa kanyang pagre-referee ngunit sa laban kay Mosley, may mga nagduda sa kanya dahil hinatulan niya ang American ng knockdown sa 10th round na dapat ay hindi dahil nadulas lamang si Mosley.

Nanalo si Pacquiao via a unanimous decision at humingi ng paumanhin si Bayless sa kanya sa nangyari.

Samantala, sinabi ni NSAC executive director Keith Kizer na sina Ada-laide Byrd ng Nevada, Steve Weisfeld ng New Jersey at John Keane ng Britain ang mga judges.

BAYLESS

ERIK MORALES

JOHN KEANE

JUAN MANUEL MARQUEZ

KEITH KIZER

KENNY BAYLESS

LAS VEGAS

MIGUEL COTTO

MOSLEY

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with