Q’finals tanaw na ng San Mig coffee

ANTIPOLO CITY, Philippines -- Isang 11-0 run lang sa huling tatlo’t kalahating minuto  ng third quarter sa pamumuno ni Peter June Simon ang kinaila-ngan ng San Mig Coffee para kumawala sa Barako Bull tungo sa 93-73 pana-nambak kagabi sa Ynares Center dito na nagbigay sa Mixers ng pansamantalang pagsosyo sa liderato sa team standings ng 2012-13 PBA Philippine Cup.

Sa pangunguna ng 22 puntos ni James Yap, 20 ni Simon at dalawa pang ibang players na umiskor din ng double figures ay naitala ng San Mig Coffee ang ikalimang sunod na panalo nito na nagsulong ng kanilang karta sa 7-2 overall, kapareho ng record ng two-time defending champion Talk ‘N Text na kinakalaban pa ang  Meralco habang sinusulat ang balitang ito, tangka ang quarterfinals berth.

Bunga nito ay isang panalo na lang din ang kailangan ng San Mig para makasiguro sa susunod na round.

Natalo ang Barako Bull sa unang laro nito sa ilalim ni bagong head coach Bong Ramos, ang isa sa kanilang mga assistant coaches na puma-lit sa nasibak na si Junel Baculi, para bumaba sa 3-7 karta.

Lamang pa ang Ener-gy Cola sa 57-56 may 3:38 pa sa third quarter bago pinakawalan ng Mixers ang breakaway run na nagbigay sa kanila ng kalamangang lumaki pa nga ng umabot sa 20 puntos  na nangyari ng tatlong beses sa huling yugto.

Samantala, ambisyon naman ng Rain or Shine na mapalapit din sa quarterfinal berth laban sa humaharurot na Air21 sa Phoenix-PBA On Tour na pagtatanghal ngayon sa Tubod, Lanao del Norte.

 

Show comments