Budinger 3-4 months mawawala

MINNEAPOLIS  -- Hindi makakalaro si Minnesota Timberwolves swingman Chase Budinger ng tatlo hanggang apat na buwan habang nagrerekober sa operasyon ng kanyang inayos na napunit na lateral meniscus sa kaliwang tuhod.

Si Dr. James Andrews ang nagsagawa ng operas-yon nitong Martes, tatlong araw matapos ma-injury si Budinger kontra sa Chicago Bulls.

Hindi na nakakaasa ang Minnesota kina Kevin Love, Ricky Rubio, JJ Barea at Brandon Roy  dahil sa iba’t ibang injuries. Napuwersa naman ni Nikola Pekovic ang kanyang kaliwang bukung-bukong noong Lunes kontra sa Dallas ngunit umaasa siyang makakalaro na siya sa linggong ito.

Si Budinger, nasa huling taon ng kanyang kontrata, ay naasahan sa  perimeter ng Minnesota sa kanyang unang  season. Siya ay nag-a-average ng 11.8 points at pumuno sa iniwang butas ni Roy, na may namamagang tuhod.

Show comments