Isa pang point guard ng Lakers nagka-injury

EL SEGUNDO, Calif. – Hindi makakalaro si Steve Blake sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio nitong Martes dahil sa minor abdominal strain kaya dalawa nang top two point guards ang wala sa team.

Inihayag ng Lakers ang resulta ng  ultrasound exam  ni Blake nitong Lunes. Iniwan niya ang Los Angeles sa first half ng kanilang 103-90 panalo kontra sa Sacramento noong Linggo ng gabi.

Si Blake ay may average na 5.1 points, 3.4 assists at 2.4 rebounds sa pitong games ngayong season.

Siya ay starter sa huling limang laro ng Lakers kapalit ni two-time NBA MVP Steve Nash na hindi rin nakakalaro dahil sa injury sa binti.

Ang natitirang point guard ng Lakers ay si Darius Morris at veteran Chris Duhon.

Show comments