McClinton nagreyna sa world bodybuilding event

MANILA, Philippines - Hinirang si Luz McClinton bilang pinakamahusay sa buong mundo sa katatapos na World Bodybuilding and Fitness Fe­de­ration (WBFF) Southwest U.S. Championship sa Oklahoma, USA.

Si McClinton, ang ta­nging Pinay na nagwagi ng Pro Fame Figure World Cham­pionship sa Es­tados Unidos noong 2010, ang kinilalang WBFF Pro Card Winner at Figure World queen.

Tinalo niya si Ashley Hor­ner, ang 2011 NPC West Coast Classic Overall Figure titlist.

Si McClinton, nakilala bilang si Mama Luz sa Pinoy Big Brother House, ay nagwagi din ng bronze medal sa Diva Fitness sa naturang kompetisyon.

“Salamat po sa lahat ng inyong dasal. Sa wa­kas, nag-champion ta­yong muli. Alay ko po ito sa lahat ng mga ina na ka­tulad ko,” ani McClinton, nakatakdang bumalik sa bansa ngayong araw.

Siya ay magtutungo sa Berlin, Germany sa susunod na linggo para sa isa pang kompetisyon.

Si McClinton ang over­all champion sa Phil-Asian Pacific Internatio­nal Body Building Competition at nag-uwi ng 2012 Cebu Philippines at 2012 UBFFP Ms. Phil- Asia.

 

Show comments