Dapudong bigo via split decision

MANILA, Philippines - Luhaan muling uuwi sa Pilipinas si Edrin Da­pu­dong nang mabigo sa hangad na bakanteng IBO super flyweight title ma­tapos ang isang split de­cision loss kay South Af­rican boxer Gideon Bu­thelezi kahapon sa Em­peror Palace Hotel sa Kempton Park, Gauteng, South Africa.

Pinahirapan ni Dapu­dong si Buthelezi nang pa­putukin niya ang mukha nito at sa ninth round ka­su­nod ang pagpapabagsak sa South African gamit ang left hook.

Ngunit hindi naga­wang tapusin ng North Co­ta­bato boxer si Buthe­le­zi kung saan siya nabik­ti­ma ng ‘hometown decision’.

Tanging si judge Reg Thompson ng London ang kumampi kay Dapu­dong, habang sina Michael Pernick ng US at To­ny Nyangiwe ng South Af­rica ang nagpanalo kay Bu­thelezi.

Unang laban ito ni Bu­thelezi matapos ang se­cond round knockout loss niya kay WBC champion Adrian Hernandez ng Me­xico noong Setyembre 24, 2011.

Ang 26-anyos na si Bu­thelezi ay may 13-3 win-loss record ngayon at dating nagkampeon sa IBO minimumweight at light flyweight divisions.

May 22-5 card naman si Dapudong.

Noong Hulyo 2, 2011 ay natalo siya kay Hernan Marquez ng Me­xi­co sa isang third round TKO loss para sa WBA flyweight title. (ATAN)

 

Show comments