Leg cramps hindi na problema ni Pacquiao

MANILA, Philippines - Hindi na magkakaro­on ng cramps si Manny Pac­quiao para sa kanyang darating na laban kay Juan Manuel Marquez sa Dis­yembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Ito ang tiniyak ni chief trainer Freddie Roach ba­se sa kanyang obserbas­yon sa kanilang training camp ni Pacquiao.

“We’ve never had cramps problems in the gym, just when the fights start,” sabi ni Roach sa pa­nayam ng ESPN.com.chat. “He (Pacquiao) said he has a handle with it. We haven’t had any problems at all yet, and I don’t think there will be.”  

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, wel­terweight fight.

Sa panayam ng ES­PN.com.chat, sinabi ng 33-anyos na si Pacquiao na hindi siya kayang pa­bagsakin ng 39-anyos na si Marquez.

“Marquez has said the same thing - that he is going to try to knock me out but I don’t believe him,” wika ng Sarangani Congressman sa Mexican fighter.

Isang draw ang nailu­sot ni Marquez sa kabila ng tatlong beses na pag­tum­ba sa first round sa ka­nilang unang laban ni Pac­quiao noong 2004.

Isang split decision win ang nakamit ni Pac­quiao sa kanilang rematch ni Marquez noong 2008.

“He’s going to fight me the same way he always has,” ani Pacquiao.

Show comments