Nanalo ang La Salle sa Perpetual Help College sa PCCL sa kanilang laro na ginanap sa Batangas.
Grabe ang dami ng tao na sumugod pa sa Faith School para lang makita ang importanteng laro na ito sa Champions League.
Nanalo ang Green Archers pero muntik na rin sila. Hindi nila nakuha ‘yun sa mabilis na paraan dahil nahirapan din sila sa mga Altas ni head coach Aric del Rosario.
Buhay na buhay pa ang pag-asa ng iba na mapanood muli ang La Salle vs. Ateneo sa Champions’ League.
***
Pinagkaguluhan ng mga tagahanga si Jeron Teng after the game.
Akala mo ay nakakita sila ng artista sa gym dahil talagang kinuyog siya ng mga fans.
Grabe ang kasikatan ng batang ito.
Kagabi naman, naging guests sila ni Kiefer Ravena sa Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN.
***
Kuwela ang naging guesting nu’ng dalawa.
Pinagsayaw at pinakanta sila ni Vice.
At hindi sila nakatanggi.
Cute na cute naman silang dalawa sa mga fans.
***
Sa Cebu naman gagawin ang mga susunod na laro ng PCCL.
Lilipad na rin papuntang Cebu ang ibang college teams dito sa Manila, kasama na ang Adamson Falcons.
Iyong Final Four, dito na sa The Arena gaganapin.
Marami na ring nag-aabang sa Finals ng PCCL, lalo na ‘yung mga taga-Ateneo at San Beda.
Ang maganda niyan, sagot lahat ng PCCL ang gastos sa mga out-of-town games.
Bongga ang Champions’ League.
Ang yaman...
***
Kahit na mahal ang tickets sa MOA Arena at medyo malayo para sa iba, napuno pa rin ang venue kagabi sa laro ng Ginebra at Talk ‘N Text.
Ang mga Ginebra fans talaga, maasahan mo basta suporta.
***
Nahihirapan nang mag-double-double si Calvin Abueva sa mga recent games niya para sa Alaska.
Natse-check na kasi ng mga kalaban. Marked man na si Abueva. May kalaban pa ba siya sa PBA Rookie of the Year award?