^

PM Sports

Sloan, Barea buwenamanong na-warningan sa flopping

Pang-masa

NEW YORK  – Naglabas ang NBA ng flopping warnings kina JJ Barea ng Minnesota at Donald Sloan ng Cleveland nitong Lunes na siyang unang dalawang player na ginamitan ng bagong policy para mawala na ang ‘pag-aarte’ sa laro.

Sobra ang pagkakabagsak ni Sloan matapos tamaan ng pick ni Nazr Mohammed ng Chicago noong Biyernes.

‘’The extra on the end kind of made it bad,’’ sabi ni Sloan bago ang laban ng Cavs kontra sa Clippers sa Los Angeles. ‘’To be one of the first ones (warned) kind of (stinks).’’



Inihayag ng NBA ang bagong policy bago magsimula ang season para sawatain ang pag-aarte ng mga players para makakuha ng foul.

Nire-review ng mga league officials ang mga plays at aabisuhan ang mga player  na lumalabag sa bagong alituntunin ng ‘flopping.’

‘’It’s just a judgment call,’’ sabi ni Sloan. ‘’I’m sure they’ll crack down on it.’’


Ang second offense ay may multang $5,000 kasunod ang $10,000 sa third, $15,000 sa fourth at $30,000 sa fifth. At kung magkakasala pa uli ay possible nang masuspindi.

BAREA

BIYERNES

DONALD SLOAN

INIHAYAG

LOS ANGELES

LSQUO

NAGLABAS

NAZR MOHAMMED

NIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with