Curry pumirma ng $44m contract sa Warriors

OAKLAND, Calif. -- Pumirma si Stephen Curry ng isang $44 million, four-year contract extension pa­ra sa Golden State Warriors bago ang kanilang season ope­ner sa Phoenix.

Patuloy na maglalaro ang point guard sa Warriors hanggang sa 2016-17 season.

Ito ang huling araw ng Golden State para mapapir­ma si Curry bago ito maging isang restricted free agent.

“‘I just thought the deal was too good to pass up right now,” wika ni Curry bago ang laban ng Warriors at Suns. “Obviously I’ve been through a lot of injuries the last year and a half with my ankle, but it’s back strong and ready to go.”

Hindi natunghayan si Curry sa 40 sa 66 laro ng War­riors sa nakaraang season dahil sa kanyang sprained right ankle injury.

Naupo din si Curry sa huling dalawang laban ng War­riors sa preseason mula sa direktiba ni second-year coach Mark Jackson.

Naniniwala naman ang bagong Warriors general ma­nager na si Bob Myers pati na sina team ow­ners Joe Lacob at Peter Guber na sapat lamang ang ka­ni­lang ibinigay na kontrata sa point guard.

“This is an exciting day for the Warriors and our fans and it certainly exemplifies the commitment of Joe Lacob and Peter Guber,” ani Myers sa isang statement.

Show comments