WPA inalisan ng rekognisyon ang 2 events ng Raya

MANILA, Philippines - Inalisan ng pagkilala ng World Pool Association (WPA) ang dalawang international ranking tournaments na balak idaos ng Raya Sports dahil sa kawalan ng komunikasyon ng mga players.

Naunang inihayag ng Raya Sports ang kanselasyon ng 2012 WPA World Ten Ball Championship na iti­nakda noong Oktubre 9-14 dahil sa problema sa pon­do.

Pero inihayag din ng organizers na papalitan nila ito ng WPA World ranking tournaments para sa men’s at women’s divisions na gagawin sa Nobyembre 26-28 at Disyembre 1-4.

Pero sa kalatas ni WPA president Ian Anderson na lumabas noong Oktubre 25, inihayag ng naturang in­ter­national fe­deration ang desisyon na alisan ng basbas sa mga events ng Raya Sports.

“The WPA Board of Directors has taken the decision to withdraw the sanctioning of the World Ten Ball Championship and World Summit events that were scheduled for next month, November, in Manila,” nakasaad sa statement ng WPA.

 

Show comments