Kobe hindi pa rinnakakapag-ensayo

EL SEGUNDO, Calif. -- Hindi nakapag-ensayo si Ko­be Bryant sa huling linggo ng team practice ng Los An­geles Lakers dahil sa kanyang injury.

Hindi alam ng kanyang mga kakampi ang bago ni­lang opensa.

At nanggaling ang Lakers sa 0-8 record sa presea­son na pinakamasamang kartada sa kanilang franchise history.

Naupo si Bryant noong Lunes habang sumuong ang kanyang mga kakampi sa isang mahabang pag-eensayo bilang paghahanda sa kanilang season ope­ner laban sa Dallas.

Ito ay una sa apat na laro na sasabakan ng Lakers sa loob ng anim na araw.

“I think all of us are ready for the popcorn and the lights to come on tomorrow,” sabi ni Dwight Howard na napanood sa dalawang preseason games ng Lakers ma­tapos sumailalim sa isang back surgery. “It’s not go­ing to come overnight. We all understand that. We just have to stay patient through the whole process. We have to keep working, and we’ll be fine.”

Ipinapahinga pa ni Bryant, ang pang limang lea­ding scorer sa NBA history, ang kanyang kanang paa.

Hindi pa nagdedesisyon ang Lakers kung pag­lalaruin si Bryant kontra sa Mavericks.

“We’ve got to worry about that when it comes, but I can see him playing tomorrow, definitely,” ani Metta World Peace kay Bryant.

“When Kobe is hurt, whether it’s the preseason or the playoffs, he plays. ... Kobe has never been afraid to be hurt and play. I think his mind is different from other people,” dagdag pa ni World Peace sa kanyang ka­kampi.

 

Show comments