^

Para Manalo

Doctor Jaden nakalusot

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi malayo na ma-ging dehado uli ang tagisan kagabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ito ay matapos manalo ang dehadong Doctor Jaden na sakay ni Dar De Ocampo sa 3-Year Old NGH Handicap Race 1 na pinaglabanan sa 1,200m distansya.

Ang fourth choice na kabayo ay nagpakita ng husay sa rematehan para manalo kahit naunang nalagay sa ikaapat na puwesto.

Ang Superior Joe ni NK Calingasan ang siyang pinaboran sa karera ngunit hindi napangatawanan ang maagang paglayo at tumapos lang sa ikatlong puwesto.

Ang panalo ang nagbigay lalo ng kinang sa Doctor Jaden matapos puma-ngatlo sa huling karerang nilahukan noong Abril 4.

Angat agad ang Superior Joe bago sumunod ang Pay Cut  at second choice na So So Lucky bago ang Doctor Jaden.

Sa far turn lamang nagparamdam ang Doctor Jaden at inabutan ang paboritong kabayo bago naisantabi ang pagdating ng So So Lucky.

Naorasan ang nanalong kabayo ng 1:18.8 sa kuwartos na 27’, 24, 27, at may dalawang dipang agwat sa meta.

Dahil dehado, ang win ng Doctor Jaden ay nagkahalaga ng P28.50 habang ang forecast na 6-8 ay mayroong P87.50.

Ilang araw nang namamayagpag ang mga dehadong kabayo at may senyales na ganito pa rin ang mangyayari sa pista na pag-aari ng Philippine Racing Club. Inc.

vuukle comment

ANG SUPERIOR JOE

DAR DE OCAMPO

DOCTOR JADEN

HANDICAP RACE

PAY CUT

PHILIPPINE RACING CLUB

SANTA ANA PARK

SO SO LUCKY

SUPERIOR JOE

YEAR OLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with