Warriors Rockets umusad
OAKLAND, Calif. -- Humugot si Klay Thompson ng 25 sa kanyang 30 points sa first half, habang nag-ambag ng 24 points at 10 assists si Stephen Curry para igiya ang Warriors sa kanilang unang playoff berth sapul noong 2007 mataapos ang 105-89 paggiba sa Minnesota Timberwolves nitong Martes ng gabi.
“We celebrated. Rightfully so,’’ naiiyak na wika ni Warriors coach Mark Jackson sa kanyang paglabas ng locker room. “People questioned us, and they should have. People doubted us, and they should have. They underestimated the heart, the desire, the work ethic, the determination, the willingness to put in the time.’’
Tumapos naman si David Lee na may 15 points at 12 rebounds para sa Warriors na papasok sa kanilang ikalawang postseason appearance sa loob ng 19 years.
Sa Houston, nakita ni Jermaine O’Neal ang pag-luwa sa rim ng ikalawang three-point shot ni James Harden at naisip niya na tutuloy sa overtime ang laro ng Phoenix at Houston.
Itinuring naman ito ni referee David Jones na isang goaltending at iniskoran ang tres ni Harden na nagresulta sa 101-98 panalo ng Rockets kontra sa Suns patungo sa pagsikwat sa isang playoff seat.
Gumawa si Harden ng 33 points at dinuplika naman ni Omer Asik ang kanyang career high na 22 rebounds para sa Rockets, nakamit ang kanilang unang playoff berth simula noong 2009 matapos matalo ang Utah Jazz sa Oklahoma City.
Itinira ni Harden ang kanyang ikalawang tres na tumalbog sa itaas ng rim na pinaglabanan naman nina O’Neal ng Phoenix at Patrick Beverley ng Houston.
Nahawakan ni O’Neal ang bola habang pabagsak ito sa rim matapos tumunog ang final buzzer.
- Latest