Smart Phone ng mga bata
Madalas ay pinupuri natin ang ibang tao kapag nakakuha ng magandang deals o nakabili ng mga items sa murang halaga sa lahat ng bagay. Kung tutuusin ay maraming tips ang puwedeng gawin para makaipon ng pera.
Ang perang naitabi mula sa pagtitipid ng kuryente ay isang bagay na puwedeng hindi ipinagyayabang sa iyong kumare o kaibigan, pero paraan pa rin upang maibalik ang pera sa iyong pitaka. Kung tutuusin ay maraming simpleng task kung paano makatitipid lalo’t wala namang pasok sa eskuwelahan ang mga bata.
Wala rin dahilan para manghingi ng pang-load ang mga anak para sa kanilang cell phone. Una ay nasa bahay lang naman at walang assignment o projects na pagkakaabahalan gamit ang smart phones nila. Kung meron man, tiyak halos lahat ng bahay ay may WiFi so hindi talaga kailangan ng load.
Kausapin ang anak na malaking bagay na hindi na kailangang magpa-load o magpa-share ng load mula sa mobile phone ni nanay na importanteng ginagamit ang telepono nito para sa kanyang trabaho lalo na kung may emergency.
- Latest