Ayon sa psychiatrist ang anxiety ay pinsan ng panic na parehong nabuo dahil sa takot.
Sabi ng behavioral neuroscientist, ang function ng takot ay nakatutulong para maka-survive.
Ang pangamba ay ang oldest survival mechanism mayroon ang tao.
Ang fear ay nakatutulong sa atin upang matutong maiwasan ang mapanganib na sitwasyon sa hinaharap sa proseso sa tinatawag na negative reinforcement.
Puwede rin ma-hack ang brain at mabali ang cycle ng pagkapraning sa halip na mag-panic lalo na sa banta ng coronavirus.
Kapag nahawakan ang mukha ay nagsisimulang mag-alala na ikaw ay magkasakit. Sa halip ay huminga nang malalim at tanungin ang sarili kung kailan ka naglagay ng alcohol sa iyong mga kamay.
Saka lamang maiisip na kahuhugas mo lang pala ng kamay.
Kapag positibo ang pag-iisip ay mas maganda ang epekto ng good hygiene kumpara sa negatibo ang pakiramdam sa kawalan ng kasiguraduhan sa paligid.
Ang matutunan ang learning mechanism sa pag-switch sa tamang pag-iisip ay puwede pa rin kumalma na harapin ang problema ng walang anxiety o panic.