Walang malinaw na sagot ang mga eksperto kung maaari ngang maipasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng sex.
Ang sigurado pa lamang ay nasa respiratory secretion ang COVID-19, ayon kay Kristin Englund, MD ng department of infectious disease ng Cleveland Clinic.
Ang Respiratory secretions ay droplets mula sa pagbahing at pag-ubo at kung infected ng coronavirus ay maaaring maipasa ito.
Kaya naman dini-discourage ang lahat sa pagbeso sa batian at paalaman.
Sa pakikipag-sex, mas intimate ang kissing at alam naman nating naipapasa ang virus sa close contact. Kaya nga pinapairal ang social distancing. Ano pa kaya ang pakikipaghalikan?
Kung under quarantine o under observation ang partner, ipinapayong iwasan munang makipag-sex dahil malaki ang posibilidad na mahawa kung magpositibo ang partner mo.
Kung may signs ng virus ang sex partner, malaki ang tsansang mahawa kung magpositibo ito.
Wala pang malinaw na pag-aaral kung naipapasa nga ang COVID-19 sa pamamagitan ng sex as of presstime dahil patuloy na nag-eevolve ang virus ngunit ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nako-contract ang virus sa pamamagitan ng “close contact” na sinasabing within 3-6 feet sa taong infected at ang kissing o pakikipag sex, ay lagpas na sa distance limit kaya may panganib na mahawa kung may virus ang partner.