Dear Vanezza,
Yung anak kong babae ay iba ang trip na panay ang order sa online ng mga Korean cream o products na pampaputi. Para raw pagbalik sa eskuwela ay pumuti na siya. Lagi raw siyang binu-bully dahil sa kanyang pagiging negra. Paano ko matutulungan ang anak ko na hindi ma-bully? – Nanay Isay
Dear Nanay Isay,
Kapag puwede nang bumalik sa school at saka isumbong ang nangyayari sa iyong anak. Ituro sa anak na mas pagtuunan ang kagandahang loob na hindi kumukupas, kasya sa panlabas na anyo. Ituro rin sa anak na magkaroon ng tiwala sa kanyang sarili at huwag pansinin ang sasabihin ng iba. Sa halip ay gawin niyang assest ang kanyang black beauty, imbes na ma-insecure sa kulay nito.
Sumasainyo,
Vanezza