Ang aso na si Laika ang kauna-unahang hayop diumano na naipadala sa kalawakan. Pagkalipas ng 50 taon, isang monumento ang itinayo bilang alay sa kanyang katapangan. Matatagpuan ito malapit sa isang Moscow military facility.
Si Laika ay pagala-gala lamang sa kalsada noon nang mapili siya ng Russian space program para ikutin ang buong planeta. Napili siya sa dahil sa kanyang angking katalinuhan at hindi nga sila nagkamali.
Mabilis siyang nakakuha ng atensyon. Pinagsanay muna si Laika at ginawan ng space suit na para lamang sa kanya bago siya ini-launched noong November 3, 1957.
Ayon sa Russian government, pumanaw si Laika dahil sa kawalan ng oxygen, habang ang iba naman ay sinasabing planado ang ginawang pagpapatulog sa kanya. Hanggang sa taong 2002, nalaman ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay – overheating.
Oras lang daw ang pagitan simula nang siya ay i-launched, namatay siya ng walang kalaban-laban.
Hugis space rocket ang monumento ni Laika kung saan makikita siyang nakatayo sa gitna.
Madalas itong puntahan ng mga turista dahil na rin sa katulad nitong monumento ng aso namang si Hachiko sa Japan na naghintay ng matagal sa kanyang namayapang amo.