‘Di makauwi dahil sa lockdown
Dear Vanezza,
Pauwi na sana ang mister ko mula sa Qatar, pero lockdown na dahil sa coronavirus sa pinagtatrabahuan niya. Bawal na ang pumasok o lumabas sa kanilang lugar. Mapipilitan ang mister ko na mag-renew ng kontrata samantalang 5 years na siyang hindi nakakauwi. Miss na namin ng mga anak ko. ang tatay nila. Ano ba dapat gawin niya? – Cora
Dear Cora,
May time na wala tayong kontrol. Ang good news ay safe ang mister mo at ganundin kayong mag-iina. Manalangin tayo na maging maayos ang lahat at magkaroon ng vaccine laban sa coronavirus.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest