Ang anxiety ay normal na reaction sa stress na mayroon ding benepisyo sa mga bata minsan. Ang balisang pag-iisip ay nakati-trigger sa brain na magpadala ng warning signal sa paparating na panganib.
Kapag ang bata ay nagsimulang tumawid na hindi tumitingin sa paparating na sasakyan, ito ay child’s path o pagiging carefree nito, pero sa isang banda kapag balisa ang bata ay nagbibigay ng signal response para tumigil. Minsan ay nakatutulong din ang anxiety sa bata, pero huwag sobra. Importante na maturuan ang anak kung paano kumalma para malampasan ang kanyang stress.
Ang ilang bata naman ay sobra ang anxiety na hadlang sa kanilang normal na activities. Ang anxiety ay pahirap sa bata na mag-interact sa kanyang mga peers o mag-establish ng friendships, ayaw mahiwalay sa magulang para pumasok sa school, at ibang activities na mahirap sa bata na matutunan. Nagkakaroon din ng negatibong epekto sa kanilang pagtulog, eating habits, at sa kalusugan ng bata.