Zombie Family (378)

HINDI naman sa ngayon lang siya nai-dinner sa ganito ka-ele­ganteng resto. Noong kabit pa siya, pag special occasions, nag-i-effort din naman ang lalaki niya. Kaya nga kahit may asawa ito, hindi niya talaga maiwan.

Napamahal sa kanya kasi hindi naman siya binabale-wala.

At ngayon, kahit pa ramdam niyang babaero talaga itong si Joselito Comendador at imposibleng will stick to one woman, aliw siya sa lalaking ito.

Gusto niyang ma­ging jowa kahit pa walang seryosohan.

Wala naman siyang gana sa pagkain.

Napansin iyon ni Joselito at dahil nga may pagkama-pride hindi nito nagustuhan na ganoon lang siya kung kumain.

“Are you watching your figure but you can afford to gain a bit of weight. Besides, hindi naman makakataba sa iyo ang dinner na ito kahit pa maraming-marami kang kakainin.”

“This is my normal.” Ang totoo, nai-imagine na niya ang malusog na utak ni Joselito sa loob ng skull nito.

Napakatalino nito sigurado siya. Kaya ang utak ay hindi payat, maraming laman literally.

Doon siya biglang nakaramdam ng gutom.

Gusto na niyang abutin ang ulo ng ka-date at bunutin ang buong utak nito.

SI NIKOLAI  ay hindi nagawang mainip sa baha­ging iyon ng bundok. Gusto niyang mapakinabangan ang kakayahan niya ngayon bilang flying zombie.

Napakalakas niya.

Mabilis siyang lumipad.

May malaking bahagi ng bundok na parang nakakalbo na dahil dinaanan ng kaingin.

May palatandaang sinunog ang bahaging ito.

Hindi niya maatim na hindi perpekto ang bundok. Kailangang may gagawin siya.

May bahagi naman ng bundok na siksikan ang mga young trees. Alam niya, kapag nabawasan ang siksikan, madaling lumaki ang mga punong-kahoy na ito.

Kumilos kaagad si Nikolai para mangyari na ang kanyang plano. Pabalik-balik siya sa pagbunot ng mga young trees pati na ugat ng mga ito.

At inilipad niya ang lahat na nabunot sa par­ting nakakakalbo. Mag­hapon lang, halos nataniman na ng mga punong-kahoy ang nakakalbong bahagi.

Pagod si Nikolai dahil hindi madali ang kanyang ginawa. Pero dahil very proud siya sa kanyang na-accomplish, ayaw pa niyang tumigil. Nakaha­nap naman ng mapag­lagyan ng tubig sa sapa, pabalik-balik, diniligan niya ang mga bata pang puno. -  ITUTULOY

 

 

Show comments