Pagiging alcoholic laban sa virus

Kahit wala pang lunas o vaccination sa nakatatakot na coronavirus, ang good news ay marami pang tamang bagay na dapat gawin.

Hindi masama na maging alcoholic sa mga panahon ngayon, ‘di sa nakalalasing na alak kundi ang paglalagay ng alcohol sa kamay. Maging obsessive rin patungkol sa paghuhugas ng kamay para sa pangkalahatang good hygiene. Upang makontrol na hindi makalat ang virus  o bacteria. I-scrub mabuti ang mga kamay ng at least ay 20 seconds at katulad din sa hand sanitizer.

Sa ganitong panahon ay kailangang laging handa na magbaon ng alcohol o hand sanitizer sa bulsa para mada­ling madukot. Maging marespeto kung uubo o ha­hatsing.

Takpan ang bibig at ilong ng inyong braso. Huwag munang pumunta sa pampublikong lugar at paliwanagan ang mga anak na manatili muna sa bahay.

Show comments