Solusyon sa pagkapanot

Isa sa kinakatakutan natin sa pagtanda ay ang pagkakalbo o pagkapanot.

Sinasabing mahirap na itong iwasan lalo na kung nasa lahi ninyo ang maninipis na buhok. 

Ang iba naman ay nagkakaroon ng hair fall o unti-unting pagkalagas ng buhok dahil sa sakit, hormones, o stress sa katawan.

Kaya maaga pa lang, dapat na nating alamin kung ano ba ang tamang pag-aalaga sa ating buhok para ‘di tayo layasan ng mga ito.

Ugaliin ang pagmamasahe sa iyong anit. Pwedeng gumamit ng aloe vera gel, castor oil, coconut oil o olive oil. Kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy bago gumamit ng mga ito.

Pangalawa, i-relax ang sarili at umuwas sa stress. Ang ugat kasi n gating buhok ay nakararamdam ng stress o tension, para maibalik ang hormonal balance, pag-aralan kung paano mo maiiwas ang sarili sa stress.

Isa pa na dapat ugaliin ay ang tamang pagsusuklay. Gumamit ng suklay na malalaki ang pagitan at dahan-dahan lang para hindi mapwersa ang buhok. 

Ugaliing mag-shampoo ng tatlo hanggang apat na beses lang araw-araw dahil mas healthy ito sa iyong buhok.

Show comments