“Para sa isang lalaki na may apat na kapatid na babae, masasabi kong bumuti naman ang kalagayan ng nga babae ngayon sa modern world. Kumbaga ngayon ang babae ay mas may boses na para sa mga nararamdaman nila. Hindi na sila nahihiyang maging opinionated. Maganda yun dahil nailalabas na nila yung mga hinaing nila.” Bry, Lucena
“Oo naman. Level up na ang kababaihan ngayon at masaya ako para sa kanila. Kung noon, ang mga babae ay nasa bahay lamang at nag-aalaga ng mga anak, iba na ngayon. Marami pa nga eh sinasama ang kanilang mga anak sa trabaho. Napakaraming nanay ang naging entrepreneurs ngayon.” Lary, Makati
“Sa paglipas ng panahon, napansin natin ang kumbaga evolution ng mga babae sa Pilipinas. Masaya ako na mas may tinig na sila ngayon kumpara noon. Pero masakit isipin na meron pa ring mga kababaihang nakakaranas ng pang-aabuso. Marami sa kanila ay takot magsumbong at ang iba naman ay hindi alam ang kanilang karapatan.” Archie, Quezon City
“Naging moderno ang panahon pero marami pa ring mga babae ang biktima ng cat calling. Sana palawigin ang Safe Spaces Act of 2019. Marami pa ring babae ang kinakabahan na umuwi ng gabi. Paano naman ang mga call center agents? Sana lang mas palawakin ito. Wala kasing takot ang mga manyakis sa pambabastos sa kanila eh.” Donny, Quezon City
“Oo kasi mas nae-express na nila ang sarili nila dahil sa social media. Malaki ring tulong yung pagiging modern pero sana pati yung mga mahihirap na community eh maging mas aware sa kanilang karapatan bilang babae.” Nick, Bulacan