Hindi madali sa overseas Filipino workers ang pag-manage ng kanilang suweldo habang kailangan din magpadala ng pera sa ‘Pinas para sa kanilang pamilya.
Dapat na matutunan ng OFW ang virtue ng pagtitipid na hindi nagpapadala sa tukso na gumastos nang maluho dahil iniisip na kumikita pa naman.
Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita, ito ay nakasalalay sa mismong OFW na depende sa kanyang lifestyle. Kung hindi pag-aaralan at ituro sa pamilyang naiwanan sa bansa ang pagiging masinop sa pera ay magiging balewala ang pinaghirapan sa abroad.
Upang malaman din ng mga anak, asawa, kapatid, at ibang pamilya na kung hindi matutunan na magkaroon ng kontrol sa natatanggap na pera ay mabilis din magagastos ang budget. Kasing bilis din ang pag-ikot na matatapos ang araw, linggo, buwan, at taon pero walang naipundar na kabuhayan ay uuwiing luhaan ang OFW at kanyang pamilya.
Lalo na sa global crisis dahil sa coronavirus na apektado ang OFW na habang hindi pa huli ay huwag sayangin ang pera na kinikita na ilaan sa tamang pangangailangan lamang ng pamilya at magtabi para sa makahulugang investment na magagamit balang araw pag-uwi ng ‘Pinas.