Mantsa sa kisame
Panira ng ganda ang mantsa sa kisame ng bahay. Hindi na kailangang pinturahan ang buong area ng kisame para matakpan ang mantsa.
Mayroon na ngayong nabibiling spray paint product para ma-cover ang parte na hindi pantay ang kulay dahil sa dumi o mula sa leak ng tubig sa bubong.
Pagkatapos ma-repair ang sira, puwede nang bumili sa hardware store ng spray paint na sapat na amount lang na malinis ang kisame. Pumili lamang ng kulay na kapareho ng kisame upang mag-blend ang color. Kailangan lamang maglagay muna ng plastic o lumang diyaro sa paligid ng pader at sa sahig para hindi mawisikan ng spray paint.
Ilang minuto o oras lang ay malinis na muli ang mantsa sa paligid ng kisame.
- Latest