Madalas kapag may guilty feeling ito ay isa sa dahilan kung bakit napipigilan na alagaan ang sarili.
Ang guilt ay parang isang malaking bato na nakalagay sa loob ng dibdib na ang bigat ang siyang hahatak sa iyo pababa. Hinihila rin pababa ang iyong iniisip, behaviour, at action. Nagsisilbi itong distraction sa maghapon at hindi makatulog sa kakaisip sa gabi. Ang ating muscles sa katawan ay napipilitang magtrabaho nang overtime dahil sa bitbit na konsensya sa kung anoman.
Hindi kailangan na makonsensya. Ang totoong guilt ay isang loving instrument na naghihikayat, nagtatama, at kinokompronta ang iyong character kapag naliligaw ng landas.
Ang konsensya ay nagsisilbing totoong kaibigan. Spiritual companion na bumubulong ng katotohanan at nagbibigay ng motivation na saliksikin at hanapin ang totoo at ang pagpapatawad.