Pampasuwerte sa tindahan

Tanong: Any Feng Shui suggestions para naman datnan ng good luck ang aming sari-sari store. Salamat po.--Jackie

Sagot: Magdispley ng three-legged frog malapit sa tapat ng entrance ng tindahan pero dapat ay nakaharap ito sa loob ng tindahan. Sa sahig lang ito ipatong. Ito ay nag-aanyaya ng positive energy para pumasok sa tindahan.

Mas lalong susuwer­tehin kung magdidispley sa pinto ng horseshoe at Christmas light na steady lang ang ilaw. Opo, kahit hindi Christmas, mabu­ting maglagay sa pinto ng ilaw dahil umaakit ito ng positive energy. Hindi maganda ‘yung nagpapatay-sindi na ilaw, baka maging ganoon din ang takbo ng iyong kabuhayan.

Show comments